
Nagiging inspirasyon na ng mga tao ang sikat na kultura, mga aktor sa isang pelikula, teknolohiya at mga taong may mataas na antas sa lipunan. Habang binibigyan nila ng atensyon ang paraan ng pananamit ng mga sikat na tao.Β
Posibleng magkaroon ng impluwensya ang kultura at tradisyon sa isang pasyon. Sanhi nito ay ang mga taga-disenyo na kumukuha ng inspirasyon at ideya mula sa pagpapahalaga ng mga tao sa lipunan.
Nagsimula ang pagkakaroon ng uso sa paraan ng pananamit dahilan ng teknolohikal, panlipunan, talento at iba pa. Sa kabila nito, nagkaroon ang usong pananamit dahil na rin sa mga taong mayayaman at sikat.
Sa pangkalahatan, ang paraan ng pananamit ay nabuo dahilan ng pagpapahayag sa sarili, pinagmumulan ng kumpiyansa, uring anyo ng sining, paraan ng komunikasyon, at sa paraang pagpapahayaag ng isang kultura. May kapangyarihang baguhin ang buhay ng isang tao sa pamamaraang pagandahin at ipahiwatig ang sarili sa kakaibang teknik o paraan.
β Nursheifa Sandayan