
Sa Industriya ng Modelling, may isang pangalan na hinahangaan walang iba kundi si Gigi Hadid. Sa kanyang kahanga-hangang kagandahan, walang kapantay na estilo, at hindi mapag-aalinlangang talento, nahakot ni Gigi ang puso ng milyon-milyong tao sa buong mundo at tinaguriang bilang isang tunay na fashion icon.
Ipinanganak si Jelena Noura Hadid noong Abril 23, 1995, sa Los Angeles, California. Nagsimula siya sa modelling nang siya ay pumirma sa IMG Models noong 2011. Ang kanyang unang pagrampa ay naganap sa Desigual sa New York Fashion Week taong 2014. Mula noon, si Gigi ay rumampa sa entablado ng kilalang mga designer tulad ng Chanel, Marc Jacobs, at Versace, na nagpatibay sa kanyang status bilang isang top model.
Si Gigi ay nabigyan din ng karangalan sa mundo ng editorial at commercial modeling. Ang kanyang kahanga-hangang mga feature ay nagkaroon ng mga pabalat sa mga prestihiyosong mga magasin tulad ng Harper’s Bazaar, Vogue, at Elle, na nagpalakas pa sa kanyang pagiging isang fashion powerhouse.
Si Gigi ay sumubok din sa disenyo, nagtulungan sa kilalang mga brand tulad ng Tommy Hilfiger at Reebok. Saan man siya rumampa na may suot ng magagandang disenyo ng gown o ng casual street style look, si Gigi Hadid ay patuloy nakakapukaw ng puso ng mga manonood sa kanyang walang kupas na kagandahan at talento.
Habang si Gigi ay patuloy na kumikinang sa mundo ng modelling. Sa kanyang matinding determinasyon, hindi magbabagong pagmamahal at walang katapusang elegansya, si Gigi Hadid ay tunay na isang dakilang tao na dapat tularan hindi lamang sa mundo ng fashion kundi sa iba pang aspeto.
— Laika Escarmoso